Kasundaluhan ng 5ID, Nag-Alay ng Dugo

0
225

Sa mga larawan, mga kasapi ng kasundaluhan ng 5th Infantry Division habang boluntaryong nagbibigay ng kanilang dugo sa isinagawang “Bloodletting Activity” bilang paunang mga gawain para sa pagdiriwang ng ika-36 na taong anibersaryo ng Dibisyon, ngayong araw, ika-4 Mayo, 2017.

Camp Melchor F Dela Cruz, Gamu, Isabela – Bilang bahagi ng pagdiriwang nang 5th Infantry Division, para sa ika-36 na Taong Anibersaryo nito, isang Bloodletting activity ang isinagawa nito sa loob ng kaniyang himpilan, sa araw na ito 4 Mayo, 2017.

Ang nasabing programa ay magkaagapay na inorganisa ng 5ID Station Hospital, Opisina ng Civil Military Operations, G7 at ng Faustino L Dy Hospital, na nagsisilbing imbakan ng mga inaalay na dugo ng mga kasundaluhan ng 5ID. Sa nasabing bloodletting, humigit kumulang sa 11,000 cc na dami ng dugo ang nakuha mula sa mga nagboluntaryo.

 

 

Nagkaroon din ng maikling programa kung saan, ipinaliwanag ng mga doctor ang kagandahang maibubunga sa katawan, ang regular na pagbibigay ng dugo.

 

“Hindi man natin kilala, kung sino ang tatanggap sa mga dugo na ibinigay natin ngayon, ngunit batid natin, na siguradong may maisasalba tayong buhay sa programang ginagawa natin ngayon.” Bahagi ito ng talumpati ni MGEN Paul Talay Atal, D.P.A. AFP, ang Kumander ng 5ID, habang kaharap ang mga sundalong nakahandang magbahagi ng kanilang mga dugo. “Parte ng layunin natin sa 5ID ay ang  makapagserbisyo sa mga mamamayan na walang hinihintay na kapalit. Nawa, ang dugong ito ngayon, ay makatulong sa mga nangangailangan.” Dagdag pa ni MGen Atal.